Bimby handa na daw sumabak sa showbiz

Former entertainment editor Dindo M. Balares shared his observation about Bimby when he had the chance to spend some time with the youngest son of actress and TV host Kris Aquino.

According to Dindo, he feels Bimby is ready to join the entertainment industry considering his physique.

“Playful pa rin si Bimby.

Para sa aming reunion two Sundays ago, dumating kami ni Wifey sa Times Street house na wala sila ni Kuya Josh. Sinipon si Bimb kaya nagpa-check-up siya sa kanilang doctor, na malapit lang din ang bahay. Kaya naglakad lang sila.

Ang Yaya Yolly ni PNoy ang nag-estima sa amin. Siyempre masayang-malungkot ang kuwentuhan.

Itinanong ko ang olive tree na iniregalo ni Krisy kay PNoy noong panahong inaayos ni Kris ang kanilang mga tampuhan. Peace offering, at ayaw ni Kris na basta-basta bulaklak lang. Gusto niya, mas symbolic at meaningful. Wala na nga namang hihigit pa sa olive. Sa ibang bansa pa iyon ipinabili ni Kris.

So glad na buhay pa ang puno!

Kung hindi ko hinanap, sabi ni Yaya Yolly, hindi niya malalaman na may kuwento pala sa likod ng olive tree.

Naging 100% na masaya ang usapan pagdating ng two giants. Kasi pagkatapos yumakap, nakakahawa ang happy disposition ni Bimb. Ang tanong agad sa amin ni Wifey:

“You want to see my abs?” sabay taas ng kanyang shirt. “Or flabs?”

Absolutely, abs!

Flat ang tummy ni Bimb. Walang unwanted fats o flabs. Halatang sculptured ng madalas na pagwo-workout.

At bato-bato ang katawan.

Handang-handa nang sumabak paspasang trabaho sa industriya!”

(Photo source: Facebook – @Dindo M. Balares)


Source: Showbiz Chika

0 comments