Ogie Diaz on Ian Veneracion’s TF issue: “kung hindi kaya ang presyo, eh di wag kunin”

Talent manager and vlogger Ogie Diaz defended actor Ian Veneracion over the issue of his talent fee. A director posted online that Ian allegedly asked for a fee of PhP 500k to attend an event for two hours.

Furthermore, the director said that Ian allegedly is charging an additional PhP 100K for every hour of extention.

On Facebook, Ogie posted the following:

“Nakakalokah yung hindi mo lang kinaya yung presyo ni Ian Veneracion na 500k for 2 hours na parada, ipo-post na sa facebook? Juice ko, ang simple lang ng argumento — kung hindi kaya ang presyo, eh di wag kunin. Humanap ng iba.
Kahit isang milyon pa ang ipresyo ni Ian, karapatan niya yon. Deal nila ‘yon. Kung paanong karapatan din ng mga promoter or producer kung kukunin nila o hahanap ng iba.

So paano kung ang presyo ng management ni Ian ay 200k lang, ano, ipo-post din nila na “Ambait-bait ni Ian. Pumayag siya sa 200k.” Na hindi rin para i-post.

Saka kayo mag-post kung me kontrata na, pero hindi sinipot nu’ng tao. Juice ko, pag nangyari ‘yon, baka tulungan ko pa kayong i-bash si Ian!

Imadyinin ninyo, hindi na nga natuloy, pinost pa at na-subject pa sa bashing nang todo si Ian. Eh, sagutin lang kayo ng, “Wala po akong kinalaman diyan. Kaya nga po ako may management, eh. Sila po ang bahala sa career ko,” tae este, talo na kayo.

Pero thank you sa mga netizen na nakakaintindi ng trabaho ng mga totoong promoter na sumusunod sa strict confidentiality. Habang ‘yung iba, piniling maging mangmang.”

(Photo source: Instagram – @ianveneracion1)


Source: Showbiz Chika

0 comments