Panoorin: NPA na Nagpanggap na Human Rights Worker, Nabuking!

 


Noong nakaraang buwan lang ay naging laman ng balita si Alex Pacalda, ang aktibista na nahuli ng militar. Noong una ay iginigiit ng mga kasamahan ni Pacalda sa makakaliwa na siya ay isa lamang human rights worker. Pero unti-unting naglabas ng larawan at video footage ang militar kung saan makikita si Pacalda na kasama ang mga New People’s Army (NPA) at may hawak-hawak na armas.

SPONSORED BY:

Ito pa ang isang video ni Pacalda na kasama ang mga makakaliwa at makikita na ang ilan sa mga babae ay may hawak na baril.

SPONSORED BY:

Ngayong Oktubre, may nahuli na naman ang ating kasundaluhan na pinaghihinalaang NPA at isa dito ay si Glendhyl Malabanan. Parehas ni Pacalda, sinasabi ni Malabanan na siya ay isa lamang human rights worker.

Pero base sa mga larawan at video na lumalabas ngayon sa social media, makikita si Malabanan na kahalubilo ang mga NPA at may dalang armas.

Kasamang nadakip ni Malabanan ay sina Domingo Ritas, Joselito Tanilon, Bener Rimbuan, Awing Lumpat, Jenny Bautista, at Ronces Paraguso. Si Ritas ay itinuturing na isa sa pinakamataas na lider ng NPA sa Palawan.

Nasakote ang 7 indibiduwal sa isang checkpoint sa Barangay San Jose bago mag gabi. Sinampahan na sila ng kasong “illegal possesision of firearms and explosives” at hindi papayagang makapag-piyansa.

Ayon kay Palawan Vice Gov. Victorino Dennis Socrates, ang pagkaka-aresto sa mga makakaliwa ay patunay na itinatakwil na raw ang mga ito ng mga komunidad sa Palawan.

“The arrest of these members of the communist terrorist groups is a clear manifestation of how they have become unwelcome and rejected by the very communities they claimed to protect… This is also the result of the resolutions of local government units in the province of Palawan declaring CPP-NPA and their front organizations as undesirable in their townships,” sabi ni Vice Governor Socrates.

SPONSORED BY:

Source: Radyo Bandera Pilipinas | PNA | Inquirer | Karapatan | Tribune



Source: World That News

0 comments