Maine Mendoza: “Matuto tayong umunawa at rumespeto ng nararamdaman at pinagdadaanan ng mga tao”

Actress and TV host Maine Mendoza appealed to her fans and followers to respect one another.

In a series of tweets made by Maine on her Twitter account, Maine reminded everyone not to ignore anyone’s feelings. According to Maine, everyone should learn to understand and respect the feelings of other people.

==========

Related Stories:

==========

She tweeted:
“Paalala lang din sa lahat, na gaano man “kababaw o kaliit” sa mata natin ang pinagdadaanan o ang problema ng iba, wala tayong karapatan na sabihan sila ng dapat nilang maramdaman. Hindi talaga natin malalaman ang pakiramdam ng isang bagay kung hindi tayo ang nasa lugar nila.”

“Huwag natin isawalang-bahala yung nararamdaman ng iba dahil lang iba ang pananaw natin sakanila. Matuto tayong umunawa at rumespeto ng nararamdaman at pinagdadaanan ng mga tao dahil hindi natin alam kung gaano kabigat ang mga ito para sakanila. Diba nga, Iba-iba tayo ng laban.”

“Malaking bagay ang presensya natin, pakikinig natin, pagtanong ng “kamusta ka?” para sa mga taong may pinagdadaanan. Hindi man natin alam ang problema o dinadala ng mga kasama natin, malaking tulong na yung nandyan tayo para ipaalam at IPARAMDAM sakanila na handa tayong makinig –“

“na hindi sila nag-iisa at nandito tayo para damayan sila. Mahigpit na yakap sa lahat! Kapit lang tayo. Laban lang!”

(Photo source: Instagram – @mainedcm)

FEATURED VIDEO:


Source: Showbiz Chika

0 comments