Kris Aquino looks better after gaining an additional 30 pounds
Actress and TV host Kris Aquino is looking a lot better after she gained an additional 30lbs since she moved to a private resort for her recovery.
Kris is suffering from autoimmune illness.
According to her good friend Dindo M. Balares, Kris shared with him that her lowest weight was at 82lbs but now she weighs 132lbs. Although Kris said her arms and legs below her knees are still skinny.
Here is the post of Dindo on his Facebook page:
“LOVE NOURISHES AND HEALS
Marami ng nagpapadala ng private messages at nagtatanong kung Photoshopped lang ba ang pictures na ito ni Kris Aquino at kung totoong ito na ang appearance niya ngayon.
Totoo at genuine po ito. Kuha ng kanyang kaibigan na si Ms. Jing three weeks ago habang nandodoon din ako sa private resort na kinaroroonan ni Kris.
Pero unang-una, at ang pinakamahalaga muna, MULA SA PUSONG PASASALAMAT PO sa lahat na nagmamahal, nagmamalasakit, at patuloy na nagdarasal para sa panunumbalik ng kalusugan ni Kris.
When we pray, miracles happen — proof si Krisy. Love nourishes and heals.
Malayung-malayo pa, pero unti-unti nang nakakabawi ang kanyang katawan at timbang.
Hirap na hirap, nakita ko mismo, at narinig na mahinang sinasabing, “I really hate being dependent” dahil kailangan siyang alalayan kung gustong bumangon o dapat kargahin papunta sa comfort room, pero tinitiis niya.
Maraming beses na siyang bumagsak sa sahig at sa loob ng banyo, dahil inaakala niyang kayang-kaya na, pero hindi pa pala.
Mabagal man ang mga resulta, tama ang desisyon niyang umiwas muna sa big city at manirahan sa tabing-dagat para lumanghap ng sariwang hangin.
Una naming napansin sa pamamakbak ng kanyang balat.
“May regeneration of skin, Krisy,” sabi ko sa kanya. “Ibig sabihin, may regeneration of cells din maging sa loob ng katawan mo.”
Last January, ang pinakamababa niyang timbang.
“Eighty-two (82 lbs) was my lowest,” kuwento ni Kris habang magka-chat kami kahapon. “Today i am 112. But kuya Dindo my arms and legs below my knees are still skinny- the weight is in my thighs. My arms are also still thin.
“The other night before Bimb arrived, hindi kinaya ni nurse Elle, bumigay my knees- i said- it’s okay just don’t let me land on my knees. So i fell slowly on my behind because she was still holding my back.
“No gana to eat today,” sabi pa niya.
Galing sa pinakamababang 82 lbs, 112 lbs na siya sa kasalukuyan.
Marami pa akong kuwento, pero ito po muna sa ngayon.”
(Photo source: Instagram – Dindo M. Balares)
Source: Showbiz Chika
0 comments