Angelu de Leon slams Atty. Ian Sia’s remarks to single mothers
Actress and Pasig City Councilor Angelu de Leon expressed her disappointment over the statement made by Pasig congressional candidate Christian “Ian” Sia on single mothers/
During one of their campaign events, Ian was heard saying:
“Ito po ang ambag ko para sa mga solo parent ng Pasig. Minsan sa isang taon ang mga solo parent na babae na nireregla pa — Nay, malinaw, nireregla pa — at nalulungkot, minsan sa isang taon, pwede pong sumiping sa akin. Yun pong interesado magpalista na po dito sa table sa gilid,”
On Facebook, Angelu slammed Ian for his remarks:
“BAWAL ANG BASTOS SA PASIG!
Nakakagalit na sa katatapos lang ng buwan ng kababaihan, at ngayong buwan ng Abril kung kailan pambansang ipinagdiriwang at kinikilala ang ating mga solo parents, makakarinig tayo ng nakakabastos at nakakadiring pahayag sa mga babaeng solo parent sa isang pampublikong event — na nagmula pa mismo sa isang abogadong kumakandito para kongreso.
“Ito po ang ambag ko para sa mga solo parent ng Pasig. Minsan sa isang taon ang mga solo parent na babae na nireregla pa — Nay, malinaw, nireregla pa — at nalulungkot, minsan sa isang taon, pwede pong sumipin sa akin. Yun pong interesado magpalista na po dito sa table sa gilid.”* — Ito ang klarong hango mula sa pahayag ng abogado. (Yes, I refuse to say his name.)
Bilang kasalukuyang Chairperson ng Committee on Social Services and Solo Parent Affairs ng Sanggunian Panlungsod ng Pasig, at bilang isang babaeng minsan din naging isang solo parent, nararamdaman ko ang labis na inis at pagkadismaya ng kababaihan at mga solo parent sa mga pahayag na ito. Ang ganitong uri ng mga salita ay hindi lamang nakakainsulto sa mga kababaihan, kundi pati na rin sa ating lipunan.
Ang pagkakaroon ng respeto at dignidad para sa iba, anuman ang kasarian o estado sa buhay, ay isang mahalagang prinsipyo na dapat isinusulong ng bawa’t isa , at mas lalo na sa mga nagnanais maglingkod sa ating pamahalaan at sa mga Pasigueño.
Uulitin ko, BAWAL ANG BASTOS SA PASIG!”
Watch on TikTok
(Photo source: Facebook – iMPACT Leadership)
Source: Showbiz Chika
0 comments