Noli De Castro withdraws from senatorial race

‘Kabayan’ Noli De Castro had a change of heart and decided not to pursue his plans of getting a Senate seat in the coming 2022 election.

De Castro who served as vice president and senator said he wants to continue to give the people a voice by his profession as a newscaster.

De Castro is part of ABS-CBN news program ‘TV Patrol.’

Daughter Kat de Castro posted the following on her Facebook page:

“Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag.

Binibigyang diin ko po, hindi nagbabago at magbabago ang ating layunin at hangad para sa bayan.

Patuloy tayong magiging boses ng ating mga kababayan, lalo na sa panahong katulad nito na ang boses na iyon ay nalulunod sa ingay ng pulitika at paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes ng iilan.

Nais ko pong magpasalamat kay Mayor Isko Moreno at sa mga bumubuo ng Aksyon Demokratiko sa ibinigay na tiwala at tulong sa akin sa unang araw pa lamang na maging miyembro ako ng Partido. Maraming salamat po.

At sa lahat ng nagtitiwala sa aking mga kabayan, maraming maraming salamat! Hawak ko sa aking puso ang ipinapakita ninyong pagmamahal, suporta, at tiwala.

Ituloy po natin ang pagtutulungan para sa mas malakas na boses ng bayan. Salamat po mga kabayan!”

(Photo source: Facebook – @Noli De Castro)


Source: Showbiz Chika

0 comments