"Hindi Talaga Essential si Lugaw" DILG Official, Nanindigan!

 


Kahapon ay naging viral ang video ng isang kawani ng barangay na humarang sa food delivery rider na naghahatid lang ng lugaw. Ayon sa tauhan ng barangay, hindi daw essential ang lugaw kahit na ipinapaliwanag ng rider na pagkain ang lugaw.

Ang pagkakamali ng barangay personnel ay agad itinama ng Malacañang. Ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat hinaharang ang mga food deliveries dahil kasama ito sa mga essential items ngayong enhance community quarantine (ecq).

SPONSORED BY:

“Bakit may Grab pa kasi? Bawal na ho tambay. Kasi hanggang bukas kayo, may taong lalabas, may magde-deliver. Non-sense, Sir. Video mo pa ako… Hindi nyo ba naiintindihan?… Essential po ba si lugaw? Hindi… Kasi mabubuhay ang tao nang walang lugaw… Edi sana lahat ng pagkain bukas… Hindi po essential si lugaw, mabubuhay po tayong walang lugaw maghapon,” sabi ng babaeng sumisita.

Sa panayam sa One News, nagbiro si Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Epimaco Densing III tungkol sa viral video. Ayon sa opisyal, tama naman na hindi essential “si lugaw”. Ang terminong “lugaw” ay ibinabansag kay Vice President Leni Robredo ng mga kritiko nito.

“Tama ‘yung sinabi niya. Sabi niya kasi, non-essential si lugaw. Pero kung sinabi niya essential ang lugaw, ‘yun tama ‘yun. Ang lugaw. Pero si lugaw ang binanggit niya. Non-essential talaga ‘yun sa paningin namin,” banat ni Densing.

SPONSORED BY:

Sa panayam naman niya sa GMA Nes, naindigan ang DILG Official hindi talaga kailangan si Robredo.

“Ano siya, pabiro ang delivery pero [that was just a joke but] I’m serious in saying that she (Robredo) is a non-essential today… Wala siyang ginawa. Lahat ng sinasabi niya puro criticisms, unfounded, minsan magbibigay siya ng program pero nagawa na ng gobyerno… I stand by my position that the Vice President is non-essential,” banat ni Densing.

Source: GMA News | One News/a> | ABS-CBN



Source: World That News

0 comments