'Target ni DU30 si Leni! We have to be on guard! ' - Trillanes
Para kay former senator Antonio Trillanes, kailangan daw maging mapagmatiyag ang mga tao dahil nakatuon na daw ang atensiyon ni Pangulong rodrigo Roa Duterte kay Vice President Leni Robredo. Ipinaalala din ni Trillanes ang nangyari kay Senadora Leila De Lima.
“Remember how Duterte lied and demonized @SenLeilaDeLima to justify her eventual incarceration? That was deliberate and calculated. Maraming naive and gullible na naniwala dun.
Now, as he begins to target VP Leni, we have to be on guard and push back at every turn,” boladas ni Trillanes.
Sa kaniyang hiwalay na social media post, tinawaf pa ni Trillanes si RObredo na mukha ng gobyerno noong kasagsagan ng kalamidad.
“Back off, you lazy, incompetent fool! VP Leni did her duty and more. In fact, she was THE FACE OF GOVERNMENT during the typhoon. Di natin pwede payagan to. Let us all speak out and #DefendVPLeni,” patutsada pa ni Trillanes.
Magugunita na binanatan ni Pangulong Duterte ang diumano’y pagpapabibo ni Robredo noong kasagsagan ng kalamidad.
“I would like to just give a caution to the Vice President. She made a blunder, a big one, and she practically lied making her incapable of truth. Alam mo ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo… While you were making calls, nagche-check ka pakunwari… Alam mo ‘yung mga military hindi ‘yan maniwala sa iyo because tama sila you are not in the line of authority basta ganun. Wala kang… Times of emergency, ako lang pati ang military. It’s between me and military pagka pulis. Iyan lang sila kami mag-ano… So huwag ka masyadong porma-porma, hindi mo talaga panahon. Hindi mo pa panahon. Not time to be making a grandstanding coming up with… Matagal na talaga akong maraming sabihin sa iyo pero ireserba ko na lang. When you start your campaign kung magtakbo ka ng presidente, waswasan kita nang husto. Well, this is your bad — this is your nightmare. Sabi ko pagka-incompetent mo and you were lying,” buwelta ng Pangulo Duterte.
Source: News5 | Archive | PCOO
Source: World That News
0 comments